106 - Kung ang Trumpeta ng Diyos

Kung ang pakakak ng Diyos ay marinig na ng lahat
At ang umaga nama'y mamanaag,
Kung sa Kanya ang tanang maliligtas ay matipon,
Ako ay haharap din at doroon.

REFRAIN

Kung hipan na ang pakakak,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang pakakak,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!

Kung sa umagang yaon ang banal ay magsibangon
Upang suma-Kanya habang panahon,
Kung magsasama na ang hinirang ng Panginoon
Ako ay haharap din at doroon.

REFRAIN

Kung hipan na ang pakakak,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang pakakak,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!

Tayo ay magsipaglingkod sa Kanya araw-araw,
Ang pag-ibig Niya'y h'wag kalimutan;
Kung ang buhay at gawain sa lupa'y matalunton,
Ako ay haharap din at doroon.

REFRAIN

Kung hipan na ang pakakak,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang pakakak,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!

0:00 0:00